Taong isang libo siyamnaraan siyamnapu't apat, ika dalawampu't siyam ng Setyembre naging mapalad ang mag-asawang Eduardo S.Mesa at Victoria O. Mesa sapagkat biniyayaan sila nang dalawang malulusog na kambal na pinangalanan nilang Ana Carla at ''Juan Paolo''.
Ako si Juan Paolo Opulencia Mesa ang nag-iisang lalaking anak nina Eduardo at Victoria Mesa,bunso sa magkakapatid at guwapo katulad ng Ama. Kapatid nina Jacqueline, Charmane at Ana Carla ang kakambal ko.
Mahigit tatlong buwan nang bininyagan sa Simbahang Katoliko
Sa paglaki nang kambal, unti-unting nagkakamuwang sila sa mundo. Natuto na silang makipaglaro at maging pilyo gaya ng ibang mga bata. Dahil sa pagiging makulit ko, isang gabi habang natutulog ang lahat nang kasama ko sa bahay naisipan kong gumapang paakyat sa hagdan, dahil madilim hindi ko namalayan na nauntog na pala ako sa hagdan. Umiyak ako kaya't nagising ang mga magulang ko ngunit duguan na ang noo ko nang makita nila. Dahil gabi noon at malayo pa ang ospital ginamitan na lang nila ako ng dahon ng malunggay upang matigil ang pagdudugo nang aking sugat. Hanggang ngayon nakamarka pa rin sa noo ko ang tanda ng aking kalikutan.
Ilang beses narin akong nababalian dahil sa pagbibisikleta ko at nang mahulog ako sa mesa. Muntik na din akong mamatay dahil sa kagat ng alaga naming tuta, hindi ko namalayan na ang simpleng sugat ko sa binti ay kagat pala ng alaga naming tuta.
Apat na taong gulang ako nang unang magbakasyon ako sa Baguio City. Napakasarap sa pakiramdam sapagkat ngayon lang ako nakapunta sa ganoong pasyalan. Maraming tao, maraming pasyalan at napakagandang tanawin. First time ko din doon kumain ng taho at umakyat sa pagkahaba-habang hagdan.
Pagtungtong ko sa ''Day Care'' nagpamalas na ako ng galing hanggang mag ''Kinder'' ako, dito na ako nabigyan ng ibat-ibang parangal sa loob ng klase.
Pagtungtong ko naman sa ''Grade1'' marami na akong naging kaibigan ngunit mahiyain sa klase. Hatid at sundo lagi kami ng ate ko na si ate Charm, lagi niya kaming pinakakain sa tanghale at pinatutulog pagkatapos kumain at higit sa lahat lagi siyang may bigay na baon sa amin. Pagdating ko naman sa ''Grade 2'' dito na ako naging aktibo sa klase ngunit may kabagalan sa pagkopya nang mga leksyon sa pisara. Natuto na akong magrosaryo pagdating ko sa ''Grade 3''. Ang ''Grade 4'' naman ang pinaka paborito kong taon sapagkat dito ko nagustuhan ang asignaturang siyensya.Nasa ika limang taon na ako sa pagiging elementarya o "grade5" dito na ako natuto magka- crush at sa bestfriend ko pa na babeae,at ang huling taon ang ika-anim na baitang,o ang aming pagtatapos,dito ko na naisip na magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan ko ngunit siguradong hindi parin matatapos ang aming pagkakaibigan kahit na hindi kami kagkakaklase.
Pagiging sekundarya yan ang unang tungtong sa pamplublikong paaralan na Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Ang unang antas ko sa paaralan ang pinaka mahirap sa akin sapagkat wala man lang akong kakilala ni isa mang nagpatala sa listahan ng mag bagong mag-magaaral sa Dizon High.Pero nang magtagal unti-unti ko na silang nakikilala at ganun din pala sila.
Pagtuntong ko sa ikaliwang antas dito na tumaas ang aking seksyon,mula sa f naging d ako.Talagang pinagbuti ko ang aking pag-aaral upang mapataas ko pa ang aking seksyon at marka.Madali kong naging kaibigan ang lahat ,lalo na sa isang taong laging nagpapasaya sa akin noon.Di naglaon naging kasintahan ko ang babaeng yun.Sa taong ding ito napalitan ang tawag nila sa akin na "boss" ang tawag nila sa akin.
Sa ikalawang antas dito na ako naging mas mahilig sa larong basketball,at pinaka sa larong NBA 2K11.Sa taong ding ito naganap ang kaunaunahang "J.S" sa buhay ko.
At ngayon sa ikaapat na antas kung saan pagkatapos ay kailangan na talaga ang paspasang pagaaral para sa aking kinabukasan.Sa taong ito ibat-ibang kompetisyon na ang aming nasalihan at sa kabutihang palad ay nananalo naman kami kahit papaano.Dito ko na din natagpuan ang taong nagpabago sa buhay ko at napakahalaga niya para sa akin.
Ngayong magtatapos na ako sa ikaapat na antas sanay hindi magbago ang pagkakaibigan naming lahat kahit magkakalayo na kami.
Ako si Juan Paolo Opulencia Mesa,noon hanggang ngayon.
Iyan ako!
Mga pangyayaring naganap sa buhay ko...
PROPS MEN
Opening ng SM San Pablo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento