ako noong 1 taong gulang |
ako noong 6 na taong gulang |
Hanggang sa pumasok ako ng elementarya.Si tita pa rin ang nag-aasikaso sa akin.Napansin niya na nagkakaroon ako ng hilig sa pagkanta.Napamahal ako sa musika.Gusto niya nga akong isali sa mga singing contest,pero naging mahiyain naman daw ako.Dumating ang flores de mayo.Pinalano nilang isali ako ngunit kahit ayaw ko ay wala rin akong nagawa.Noon,galit na galit sa akin ang tita ko kasi may pagkatomboy ako.
Nahilig ako sa mga laruang baril-barilan.Nang tumuntong ako sa elementarya,mas lalo akong nahilig sa mga larong panlalaki.Palagi naman akong nanalo.Sa ikalawang baitang sa elementarya ay marami lalo akong napagdaanan.Nakilala ko ang mga tunay kong kaibigan.Sila rin ang palaging nagsasali sa akin sa singing contest sa school namin.Napaka iyakin ko noon kaya nang sumali ako sa patimpalak,wala akong magawa kundi ang umiyak.Masaya naman ako dahil kahit paano ay nanalo ako.Simula ng manalo ako noon,nagkaroon na ako ng confidence sa aking sarili.
Kasama ang aking mga kaibigan ay sumali kami sa mardigra.Nanalo kami noon.Pero kahit ganon naiinis pa rin ako dahil nangitim ako ng sobra.Hanggang sa nakilala ko ang first crush ko.Minahal ko talaga siya ng sobra.Nakakahalata na nga siya sa akin.Sobrang nagseselos ako tuwing nakikita ko na may kasama siyang iba.Araw-araw akong umiiyak nang malaman ko na ang taong gusto ng aking crush ay ang matalik kong kaibigan.Gumuho naman ang mundo ko nang malaman kong ang iniirog ni tita at ang aking tita ay nais ng magpakasal.Ayokong mawala sa akin si tita kaya gusto kong pigilan ang kasal.Wala akong magawa.Pinalano kong lumayas,pero napigilan ako ni lola.
Nang wala na akong magawa,pumayag na rin ako.Nang ikasal si tita,wala rin namang nagbago.Dumating ang isang problema sa aming buhay.Ang lupang aking kinalakihan ay binabawi na ng kung sino lamang.Awang -awa ako kay lola dahil alam kong napamahal na siya doon.At isa pang dahilan ay dahil pamana na iyon sa kanya ng kanyang magulang.Dahil doon,gusto ko ng magtrabaho.Hindi kami nawalan ng pag-asa.Umabot sa korte ang kaso namin at sa awa ng diyos ay nanalo kami.Hanggang sa dumating ang araw na aking pinakakahintay.Ang pagtatapos ko sa elementarya.Masaya ako dahil kasama ko ang aking buong pamilya.Bago sumapit ang pasukan para sa highschool,nagdesisyuon akong mamasukan bilang katulong sa aking tita.Nangako silang pag-aaralin ako.
Dumating na ang pasukan.Marami akong nakilalang kaibigan.Inisip ko noon na kakaiba ako sa kanila.Pero nawala ang lahat ng iyon nang tumagal tagal na ang pag-aaral.At isang magandang umaga,nakita ko ang first love ko.Minahal ko siya sa loob ng apat na taon at alam kong tatagal pa.Nang makilala ko siya,naniwala ako sa kasabihang love at first sight.
Ang baduy ko daw sabi nila pero siguro kapag naranasan din nila iyon,alam kong ganon din ang mararamdaman nila.Nang secondyear high school na ko,mas lalong tumindi ang pagmamahal ko sa kanya.Siya ang naging inspirasyon ko sa pag-aaral.Pero dahil doon yata kaya nagkaroon ako ng bagsak na marka.Gumawa ako ng paraan para pumasa ulit ako.
At dahil love ako ni god,nagtagumpay naman ako.Pagdating naman sa thirdyear highschool,nalaman ko na pinsan si renz ng aking kamag-aaral.Kinuha ni bryan ang number ni renz.Simula noon,palagi ko na siyang pinapadalhan ng message.Hanggang isang araw nag reply siya.Kinaibigan ko siya at ganon rin naman siya.Hindi ko magawang hindi puasok ng paaralan nang dahil sa kanya.Hindi ko naisip na mawawalay pala siya sa akin.Magtatapos na pala siya ng highschool.Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa.Nag-ipon ako at ibinili ko siya ng regalo.Nalaman ko rin noon na may mahal na siyang iba.Sinabi ko noon na kakalimutan ko na siya,pero hindi ko magawa.Dahil sa pagmamahal ko sa kanya,naging curious na ako sa aking figure.Nagpapayat ako dahil mataba ako.
Hindi ko namalayan na may isang tao na nahulog ang loob sa akin.Inamin niya ang kanyang nararamdaman sa akin ngunit dahil sa takot pa akong pumasok sa isang relasyon,sinabi ko sa kanyang maging magkaibigan na lamang kami.At dahil doon,naging matalik kaming magkaibigan.Dumating ang araw ng pagtatapos ni renz.Pinutahan ko siya at ibinigay ang aking regalo.Nagpasalamat siya at simula noon ay mas lalong lumalim ang aming pagiging makaibigan.Hindi ko makakalimutan ang lahat ng tulong sa akin ni god.Tinutulungan niya ako sa araw-araw kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.At sa nalalapit na pagtatapos ko sa highschool ay lalo ko pang pagbubutihin.Ito ang kwento ng aking buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento