Si Jeremy M. Magcawas ang ikatlong anak nina Erlinda at Ariel Magcawas,nakatira kami sa Brgy.San Marcos SPC.Sisimulan ko na ang aking talambuhay sa paglalarawan sa aking sarili noong ako ay bata pa.Pango ang kaunaunahang tinawag nila sa akin dahil maliit daw ang aking ilong,ang dami nga nilang haka-haka kung bakit daw nagkaganun ako,may nagsabi na naapakan ng pusa nung maliit pa,meron naman na nahulog daw ako sa kuna,pero sa totoo lang napaisip din ako kung bakit nga ako nagkaganon.naniwala na lang ako sa aking ama na sinasabi na tatangos din yan,sabi ko naman paano po?sabi niya hilahin mu lang tuwing umaga,natawa nalang ako.Sa kadahilanang bata pa ginawa ko naman,hahahaha epektibo naman sya.Maputi ako medyo maputi ako noon pero dahil mahilig magsasali sa mga paligsahan sa eskwelahan,tulad ng baseball,soccer,habulan at mga laro na nasa initan kaya ayon umitim,pero ayos lang naging masaya naman ako.
|
picture namen nung grade 2 |
Eskwelahan ang aking nais puntahan,napakasaya ko nang ako ay pumasok bilang isang kinder garten,sinasabi ng guro ko na makulit daw ako pero mahilig naman sa pag-aaral.Doon nagsimula ang pagsisipag ko sa pagaaral.ang bilis ng araw dahil hindi ko namalayan na nasa ika-unang baitang na agad ako,madaming ka eskwela ang aking mga nakikilala ayoko ko na sabihin dahil madami sila hahaha.tanda ko pa na ako nalang pala ang nagsasalita at ang mga kaklase ko ay tahimik,pagtingin ko sa may blackboard papalapit na ang aking guro,may dalang tape,ayon sa kaingayan ko nalagyan ako sa bibig.Simila noon natakot na akong magingay pag may klase,siyempre bka malagyan nanaman ako eh tama na ung sa nakaraan nlang yun nakakahiya eh.
Nang umapak ako sa baitang ikalawa hanggang anim nasabi ko na sobrang saya magaral at magkaroon ng maraming kaibigan.Dahil kaya ko nasabi na ganon dahil sa mga karanasan ko sa mga nagdaang panahon,kauna-unahang paligsahan na nasalihan ko ay ang soccer o kilala din sa tawag na football,ito ung laro kung saan hindi ka maaaring gumamit ng kamay pwera nalang kung ikaw ang goaly,siya yung nagbabantayn sa goal bar para sanggahih ang mga parating na bola.Minsan naipwepwesto ako dun pero mas masaya kung naglalaro ka sa field,nasasaktan pero ksama un sa laro.Ang ikalawa naman ay sa baseball,dito ako nasaktan at nasiyahan dahil lalo gumagaling ang isang manlalaro kung siya ay na sasaktan.Ang dami kung naging pasa sa paglalaro nun,sa kamay,paa,hita,binti minsan nga sa pagmamayabang ko ntamaan ako ng bola sa ulo ang taas pa ng bola nung sasaluhin ko,nung pagsambot ko hindi ko namalayan na papalapit na yung bola dahil nasilaw ako sa sikat ng araw,kaya ayun sa sakit umupo muna ako dahil nakakaliyo pala hehehe.Masarap ang buhay ko noon pagmay laro dame lagi pakaen,hahaha,Sa mga larong aking nasalihan sa taewondo ako pinaka nasaktan at nahirapan,dahil mahirap ang training dapat lagi mabilis at maliki sa para mailagan mu lahat ng mga tatama sayong sipa ng kalaban dahil kung tatamaan ka lagot ka.Sobrang saya talaga ng elementary life,pero siyempre hindi maiwasan ang paghihiwalay hiwalay dahil sa pagpasok ng high school,Lalu na ng dumating ang graduation namin lahat ay nagiyakan at nagyakapan dahil hindi namin alam kung kailan ulit kami magkikita kita.
Unang araw ng primary sa CLDDMNHS,dami mga bagong muka sa akin,mga hindi ko kakilala minsan namumukaan ko lang sila.Dami paninibago mga upuan,dami sa klase at mga guro na makikilala,pero mukang masaya naman dahil maraming new friends ang pwedeng ma meet.Haixt!! masaya nga dami ko nakilala at maaaring maging kaibigan hahahah,may babae pang nagtanong ng apelido ko,nainlab naman agad ako,pero nung niligawan ko wala din pala hindi pala ako ang gusto,sayang mabait pa naman siya.Siya unang nagpatibok ng puso ko na high school,pero ayos lang masaya na ako ng nakilala ko siya.
Sekondarya naman mas ayos naman ito dahil bagong kaibigan nanaman dahil napalipat ako ng section napabayaan ko pagaaral ko eh,dahil sa computer games naadik kung baga hahaha,Nagkaroon din ng events noon na sinalihan ng buong section ung 'florante at laura',aladin nga pala ako dun hehehe,at gf ko pa ung flerida haixt!!.ayun lang magagandang hapenings nuon.
|
js prom namin |
|
kevin patrick at ako jssssssss!!! |
Ikatlong pagtuntong ng high school,dito ko nakilala guro na napakabaet si mam Claveria kaso lumipad papuntang ibang bansa dahil sa asawa,natuto ako sa kanya ng math subject,dahil ang bilis niyang iabot ang nais niyang sabihin sa kanyang mga estyudyante kaya ayun natututo kaming lahat kaya maraming salamat sa kanya.Js unang sabak ko palng kakahiya aman isayaw mga classmate kung babae,hindi ako sanay eh pero ayos enjoy ako ng gabi na iyon puno ng pagmamahalan para bang wala ng katapusan.haist!!ayon lang wala n gasinong magandang nangyari noong taon na iyon.
|
tropa namin bago mag field demo |
|
ako yan malamang!! |
|
ANA CARLA |
Ika-apat na taon at huling pagtuntong sa eskwelahan ng puno ng mga inspirasyon nais kong pagbutihin lahat lahat para masulit ko ang aking mga ginugol sa apat na taon,gusto kong tapusin ng may pinagaralan at puno ng pangarap.Sa inaasahan ko mas madami palang events ang darating nandyan ang pagsayaw namin sa SM,field demonstration,high musical at ang mini olympic.Napakasaya naming lahat dahil maraming ng checheer tuwing may laban,sa bawat laban naman ay may ipinanalo kami,second sa soccer kahit basa ng ulan cge pa din.Dito ko nakilala magpapatibok ng puso ko si ANA CARLA OPULNCIA MESA,napakasaya ko ng nakilala ko siya kahit dami mga pagsubok na nangyari bago magkaroon ng M.U sa aming dalawa ngayon masaya kaming dalawa pero minsan hindi maiwas ang pagkakatampuhan preo part aman yun ng buhay.Ngayong malapit ng magtapos ang aking pagaaral sa paaralang puno ng mga experience,masaya ako na dito ako pumasok,hindi hadlang ang mababang paaralan para makahanap ng mataas na pinagaralan.Sisikapin ko na makatulong ako sa aking mga magulang para masuklian ko ang tulong na nagawa nila sa akin.Maraming salamat sa mga taong naging parte ng buhay ko sana maging masaya tayo sa mga susunod pang taon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento