Martes, Pebrero 22, 2011

Ang aking talambuhay(Ailene C. Lagarto)


noong kami ay 3rd year
Majo,Ako,Rich at si Nineth

Ako si Ailene Canayunan Lagarto, na nakatira sa Baranggay Sta. Maria Magdalena San Pablo. Ipinangak noong July 31 1993 sa San Pablo City probinsya ng Laguna. Ako ay 17 taong gulang na. bunga ako ng mabuti at mabungang pagsasamahan ng aking mga magulang na sina Mylene C. Lagarto tubong San Pablo at Ruben M. Lagarto mula sa Soledad.

3 kaming lahat na magkakapatid. Wala ni isa man sa amin ang isinilang at lumaki nang may kapansanan sa anumang bahagi ng katawan, isipan at pagkatao. Ako ang panganay, Rubilyn C. lagarto ang pangalawa at si Kim Rommel C. lagarto ang bunso kong kapatid.

Nag-aral ako nh kinder sa Sta. maria Magdalena Elementary School hanggang sa akoy mag-elementarya. Naging honor student ako noong ako ay kinder, pangalawa ako sa sinabitan ng medalya. Noong ako naman ay elementary, grade 2 ako noon naging honor student ako, pang-anim naman ako sa sinabitan ng medalya. Ang hindi ko naman malilimutannoong ako ay grade 6 na, syempre last year na yun ng pagiging elementarya ko at magiging high school na ako. Marami akong naging magandang karanasan noong ako ay elementary pa lamang. Minsan ay inilaban ako sa mga contest gaya ng math quiz bee. 3 kami noon na magkakaklase na lumaban kaya lang hindi kami nanalo pero ayos lang sa amin kahit papaano na-experience namin yun. Marami rin akong naging kaibigan at halos lahat ay kasundo ko, mapababae man o lalaki. Naalala ko noong grade 6 kami, mga pasaway kami hindi kami nakikinig sa GMRC at P.e teacher namin noon kaya lagi kaming napapagalitan, pero syempre dahil nga sa mga graduating na kami noon binago namin yung mga ugali namin na yun dahil sa mga graduating na nga kami. Kaya noong nag-NAT kami 1st kami sa buong division kaya natuwa naman ang mga teachers namin, syempre natuwa rin kami. Malapit na graduation namin kaya nalungkot kami dahil magkakahiwa-hiwalay na kami. Kaya para hindi namin mamiss ang isat-isa nagpicture taking kami para may remembrance ako.

Noong akoy na sa unang taon nang high school medyo kinakabahan ako kasi panibagong pakikibagay na naman ako sa ibang tao, bagong classmates at mga bagong guro. Akala ko noong una wala akong magiging kaibigan, pero noong tumagal mali pala ang inaakala ko dahil madami akong nakilala at naging kaibign. Pati noong 1st year ako hindi ako masyadong gala. Natuto lang akong gumala noong 2nd yerar na ako, dala nadin siguro ng pakikipagbarkada ko minsanb napabayaan ko na pag-aaral ko, pero syempre hindi ko naman hinayaang mapabayaan ko ang aking pag-aaral. Binabalance ko yung time ko sa pag-gagala at pag-aaral. Sa pagiging gala ko naman marami akong nakilala at naging kaibigan ko. Tuwing magkakasama kami puro bonding moments lang kami, kanya-kanyang kakulitan at asaran naminsan ay nauuwi sa pagkapikon, hindi pagkakaunawaan at minsan pa nga sa awayan. Pero mabilis din namang nasosolusyonan o nareresulbahan. Sa aming pating magbabarkada hindi rin maiwasan ang selosan, minsan din hindi maiwasan ang hindi mapaaway. Pero naayos din naman agad. Hanggang ngayon buo pa din ang mga barkada ko, yung iba nga lang maagang nag-asawa, nagsawa na ata sa pagiging single. Pero bahala sila buhay naman nila yun eh. Basta ako pagbubutihin ko na lang ang pag-aaral ko para makapagtapos ako ng high school.

Noong ako naman ay nagsecond year high school mas lalo akong naging masaya. Lalo a noong lumaban kami ng Florante at Laura nagkaroon kami ng place, 2nd place kami noon. Ang saya namin noon, kasi yung mga pinaghirapan at pinagpractisan ay may naibungang maganda.Hindi ko malilimutan noong second year kame Mapeh ang aming asignatura noon, wala kaming guro pero may iniwan sa aming gawain. Pumunta kami ni Melanie sa C.R kasi iihi kami, nilock ni Melanie ang pinto, tapos hindi kami makalabas pilit naming binubuksan ang pinto pero hindi namin mabuksan. Syempre natakot kami, buti na lamang andun si Hazelyn Solis sa labas, nagpatulong siya dun sa isa naming kaklse na buksan ang pinto. Bago dumating yung kaklase namin nakalabas na kami. Pagkalabas namin grabe tawa lang kami ng tawa ni Melanie, kahit medyo natakot at kinabahan kami.
Nagsimula ako mainlove noong ako ay second year high school na.Doon ako ay nagkaroon ng boyfriend.Una kong naging boyfriend ay si Patrick Ellerma pero hindi rin kami nagtagal dahil nagkaroon siya ng ibang babae.Noong una masakit,perohabang tumatagal ay natanggap ko rin yon.pangalwa naman ay si Jovert Baquiran noong 3rd year ako naging masaya naman ako sa kanya.Ito nga pala yung picture ni Jovert.


Si Jovert Baquiran..Mahal ko




Sumunod ko namang naging boyfriend ay si Charlon,pinsan siya ni Jovert.Ito yung picture niya.
Yan ang aking buhay pag-ibig,syempre kung may mga bad happenings meron naman itong kapalit na good happenings. Ngayon ay in a relationship ako.


Charlon Diaz..Ex boyfriend ko


Noong 3rd year naman ako mas madami akong nakilala at naging kaibigan. Naalala ko pa noon nung nag-open forum kaming magkakaklase, syempre yung iba naging emosyonal, kasi yung iba magaganda ang sinasabi yung iba naman masama. Pero naging maayos naman ang lahat. Walang awayang nangyari. Lahat naging sport. Ngayon ako ay na sa 4th year high school na. dati akong 4-d. syempre nung una hindi ko matanggap ang naging section D ako. Nasanay na ako sa section C. pati wala akong masyadong kakilala sa section na iyon. Pero habang tumatagal na gugustuhan ko na din ang section D. napalipat naman ulit ako sa section C, kasi may nakipagpalit sa akin ng section. Syempre naging masaya ako. Pero noong una tinanong ko muna sa mama ko kung papayag siya na lumipat ako ng section at pumayag naman siya. Kaya yun naging section C ulit ako ay doon nakasama ko ulit mga kaibigan ko. Ang hiling ko naman ngayon ay makapagtapos ako ng maayos sa high school. Para na rin pagpasok ko ng kolehiyo wala akong maning problema. Pangarap kong maging isang Chef. At pangarap ko din na makapagytrabaho sa maayos na paraan. Gusto ko din maging matagumpay sa buhay. Ang saya talaga nang high school life. Mamimiss ko itong pagigng high school ko.

At iyan po ang talambuhay ko. Salamat po.

ito ako ngayon.
Mg kabarkada ko ngayong 4th year..
Beth,Nineth,Zylene,Rich,Bel,Miki,Karla at Ako..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento