Sabado, Pebrero 19, 2011

peace MAEker: The Confession of Ella Mae Cuello

noong ako ay 11 months old
             Sa barangay San Francisco, Calihan ika-11 ng Agosto nang ako’y ipanganak. Ang aking mga magulang ay sina Honorata Cuello at si Anthony Laborte. Dalawa kaming magkapatid at ako ang panganay. Isang lalaki ang aking kapatid. Mas nagging malapit ako sa aking ama noong ako ay bata pa dahil ang aking ina ang nagtatrabaho. Ang aking ina ay umuuwi ng hating gabi at umaalis ng madaling-araw kaya bihira lamang kami magkausap. Ang aking ama ang nagpapaligo sa akin, ang naglalaba ng mga damit naming, at ang naghahatid sa akin sa eskwelahan sa simpleng salita siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay na dapat para sa aking ina. Ngunit hindi ito magawa ng aking ina dahil siya ang naghahanap-buhay na dapat naman ay para sa aking ama.

ako noong 1taong gulang 
                Normal ang buhay naming dati, halimbawa naibibigay nila lahat ng gusto ko. Hangang isang araw na nag-away ang aking mga magulang. Napaka selosa kasi ng aking ama kaya pinatigil niya ang aking ina sa trabaho. Nang tumigil ang aking ina sa pagtatrabaho kailangan na ng aking ama na maghanapbuhay upang matustusan ang mga pangangailangan namin sa by. Hindi ito masyadong nagging madali para sa akin dahil hindi kami nagging malapit ng aking ina. Pero nakapag-adyas din naman ako. Ngunit pagkaraan ng ilang buwan nagkaroon na naman ng problema dahil naging masipag ang ama ko sa trabaho ay maraming naiinggit sa kanya. Isang gabi biglang sumugod ang mga tiyuhin ko at binugbog ang aking ama hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pinaltok ko yung platong hawak ko kasi punong-puno na ng dugo ang mukha ng aking ama. Patuloy parin ang pagsuntok ng tiyo ko sa ahaaking ama. Hanggang sa Makita nila na hindi na gumagalaw ang aking ama at umalis na ang mga ito. Hindi naming alam kung ano ang dapat gawin. Iyak na lamang ng iyak ang aking ina. Hanggang sa dinala nila sa ospital ang aking ama ngunit sa sobrang lala raw ng nangyari sa aking ama ay kailangan itong dalhin sa Maynila.

                                                               
            Normal ang buhay naming dati, halimbawa naibibigay nila lahat ng gusto ko. Hangang isang araw na nag-away ang aking mga magulang. Napaka selosa kasi ng aking ama kaya pinatigil niya ang aking ina sa trabaho. Nang tumigil ang aking ina sa pagtatrabaho kailangan na ng aking ama na maghanapbuhay upang matustusan ang mga pangangailangan namin sa bahay.Hindi ito masyadong nagging madali para sa akin dahil hindi kami nagging malapit ng aking ina. Pero nakapag-adyas din naman ako. Ngunit pagkaraan ng ilang buwan nagkaroon na naman ng problema dahil naging masipag ang ama ko sa trabaho ay maraming naiinggit sa kanya. Isang gabi biglang sumugod ang mga tiyuhin ko at binugbog ang aking ama hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pinaltok ko yung platong hawak ko kasi punong-puno na ng dugo ang mukha ng aking ama. Patuloy parin ang pagsuntok ng tiyo ko sa ahaaking ama. Hanggang sa Makita nila na hindi na gumagalaw ang aking ama at umalis na ang mga ito. Hindi naming alam kung ano ang dapat gawin. Iyak na lamang ng iyak ang aking ina. Hanggang sa dinala nila sa ospital ang aking ama ngunit sa sobrang lala raw ng nangyari sa aking ama ay kailangan itong dalhin sa Maynila.

ako nong 7 taong gulang
           Dahil sa pangyayaring iyon kailangan naming makitira sa bahay ng tiyahin ko. Ngunit dahil nga sa maraming problema kailangan akong iwanan ng aking ama’t ina kasama ng aking kapatid kailangan nilang tumira sa Maynila kung saan nakatira ang aking lola para hindi na lumala pa ang mga problema. Pero sinusundo naman ako ng aking ina kapag bakasyon para doon magbakasyon sa Maynila. Pero hindi naman dapat lagging ganoon kinailangan na ng aking ama na mangibang-bansa. Pitong taong gulang ako ng pumunta ang aking ama ng Saudi Arabia. Naalala ko noong ako ay pitong taong gulang ay naoperahan ako sa ulo dahil sa kakulangan ng dugo ko sa ulo.
                Grade 1 ako noong nawala ang pinaka mabait at pinaka malapit kong pinsan. Namatay siya dahil sa sakit na bone cancer. Ako ang pinaka malapit sa kanya isa ako sa pinaka naapektuhan noong nangyari iyon napakalungkot na taong iyon.


ako kasama ang aking mga pinsan at kapatid
                Masyado akong nasanay na lahat ng gusto koay nakukuha ko noong nasa ama ko pa ako. Kaya naman noong nag-aaral na ako nahirapan ako kasi nawala yung tatay ko tapos hindi naman binibigay ng nanay ko ang mga bagay na hindi ko naman daw kailangan. Kaya hindi ako mahilig mag-aral kaya mababa ang section ko noong grade 3 ako. At may pangyayari na niloko ako ng dati kong kaiskwela at sinabi sa akin “yuck ang baba ng section mo!” At umiyak ako habang pauwi. Pagkatapos ng pangyayaring iyon sinabi ko sa sarili ko na gagalingan ko para mataasan ko silang lahat.
                Noong nagging grade 4 ako tumaas ang section ko ng dalawa ngunit sabi ko sa sarili kona kulang pa iyon. Noong nagging grade 5 ay nagging top 1 ako at isa sa mga school achiever mas lalo ko pang ginalingan noong nalaman ko na uuwi ang aking ama mula sa Saudi para magbakasyon ay napakasaya ko. Kaya noong pagdating ng aking ama natuwa siya dahil siya ang aakyat ng stage para kasama kong kukuha ng certificate ko.
                Noong grade 6 ako ay medyo napabayaan ko ang aking pag-aaral kaya hindi ako ang naging top 1 pangalawa lamang ako. Nainis ako kay Rose Anne dahil siya ang nag top 1. Tapos noong nakagraduate kami ng grade 6 pinangako ko sa sarili ko na mas sisikapin ko pa ang pag-aaral  ko para sa susunod ako na ang top 1.

Tapos noong nagfirst year ako ay I-H pa rin ang section ko mababa pa rin .Dahil isa ako sa mga late nag-enroll kaya mababa ang section ko.Kaya mas sinikap kong mag-aral.At nagbunga naman dahil ako ang napiling isali sa Filipino Quiz Bee at English Quiz Bee n gaming classroom.Pero hindi ako pinalad manalo dahil may mas maraming mas matalino sa akin.
                Noong ako naman ay nagsecond year ay nagging II-F ako tumaas ang section ko pero mababa pa rin.Pero nakuha ko na rin ang puwesto na matagal ko na gusto ako ang nagtop 1 sa aming classroom.
                Noong ako naman ay nagthird year ay naging  III-C ako ay mas tumaas dahil pang-apat yun sa pinakamataas na section.Noong nagging third year ako  marami akong sinalihan na activity ang una ay Red Cross Youth matagal ko nang gusting maging miyembro ng Red Cross Organization pero walang Red Cross sa Central School kaya d ako makasali.Tapos pinili ko ring sumali magvolunteer sa Citizenship Advancement Traning.At sa lahat ng mga nagging desisyon ko ang pagsali sa C.A.T. ang hindi ko pinagsisisihan  na kahit medyo nahirapan ako naging  masaya naman.Noong una naisipan kong sumali sa C.A.T.  para lang  hindi ako mahirapan sa 4th year .Pero nang masanay ako sa mga kasama ko naisip ko na ang saya mag C.A.T.
                At nang magbakasyon ay mas naging masaya ,at mas nagging malapit kaming  mga volunteer sa  isa’t-isa nabuo ang pagtitiwala  sa bawat isa.
                Nang mag 4th year naman ako ay nagging officer na ako noong umpisa  lagi akong nabo-bored. Ngunit habang tumatagal ay nasasanay na rin ako.

ako noong nag-J.S Prom
                At ngayon katatapos lamang ganapin naming Junior-Senior Prominade 2011. Ang saya-saya talaga. Hawaiian ang nagging theme n gaming j.s prom.
                Ngunit noong gaano kami nagging Masaya noong JS Prom ganun din kami nagging kalungkot ngayong malapit na kaming magtapos ng pag-aaral sa sekondarya.
mga kasama ko sa C.A.T

                Napakalungkot na maging 4th year lalo na para sa akin na maraming nagging karanasan sa highschool. Mahirap umalis o lumayo sa mga taong natutunan mo ng pakisamahan at mahalin. Sa mga taong naging pamilya mo na sa loob ng halos dalawang taon. Sa mga taong nagbigay inspirasyon. Sa mga taong tumulong sa mga oras na kailangan mo. Sa mga taong nagtiwala at pinagkatiwalaan mo na hindi ka binigo. Pero aalis ako ng masaya dala ang mga alaala kasama ang mga taong tinuturing kong pamilya ang mga kasama ko sa C.A.T.
                     
    

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento