Martes, Pebrero 22, 2011

Ang aking talambuhay(Ailene C. Lagarto)


noong kami ay 3rd year
Majo,Ako,Rich at si Nineth

Ako si Ailene Canayunan Lagarto, na nakatira sa Baranggay Sta. Maria Magdalena San Pablo. Ipinangak noong July 31 1993 sa San Pablo City probinsya ng Laguna. Ako ay 17 taong gulang na. bunga ako ng mabuti at mabungang pagsasamahan ng aking mga magulang na sina Mylene C. Lagarto tubong San Pablo at Ruben M. Lagarto mula sa Soledad.

3 kaming lahat na magkakapatid. Wala ni isa man sa amin ang isinilang at lumaki nang may kapansanan sa anumang bahagi ng katawan, isipan at pagkatao. Ako ang panganay, Rubilyn C. lagarto ang pangalawa at si Kim Rommel C. lagarto ang bunso kong kapatid.

Nag-aral ako nh kinder sa Sta. maria Magdalena Elementary School hanggang sa akoy mag-elementarya. Naging honor student ako noong ako ay kinder, pangalawa ako sa sinabitan ng medalya. Noong ako naman ay elementary, grade 2 ako noon naging honor student ako, pang-anim naman ako sa sinabitan ng medalya. Ang hindi ko naman malilimutannoong ako ay grade 6 na, syempre last year na yun ng pagiging elementarya ko at magiging high school na ako. Marami akong naging magandang karanasan noong ako ay elementary pa lamang. Minsan ay inilaban ako sa mga contest gaya ng math quiz bee. 3 kami noon na magkakaklase na lumaban kaya lang hindi kami nanalo pero ayos lang sa amin kahit papaano na-experience namin yun. Marami rin akong naging kaibigan at halos lahat ay kasundo ko, mapababae man o lalaki. Naalala ko noong grade 6 kami, mga pasaway kami hindi kami nakikinig sa GMRC at P.e teacher namin noon kaya lagi kaming napapagalitan, pero syempre dahil nga sa mga graduating na kami noon binago namin yung mga ugali namin na yun dahil sa mga graduating na nga kami. Kaya noong nag-NAT kami 1st kami sa buong division kaya natuwa naman ang mga teachers namin, syempre natuwa rin kami. Malapit na graduation namin kaya nalungkot kami dahil magkakahiwa-hiwalay na kami. Kaya para hindi namin mamiss ang isat-isa nagpicture taking kami para may remembrance ako.

Noong akoy na sa unang taon nang high school medyo kinakabahan ako kasi panibagong pakikibagay na naman ako sa ibang tao, bagong classmates at mga bagong guro. Akala ko noong una wala akong magiging kaibigan, pero noong tumagal mali pala ang inaakala ko dahil madami akong nakilala at naging kaibign. Pati noong 1st year ako hindi ako masyadong gala. Natuto lang akong gumala noong 2nd yerar na ako, dala nadin siguro ng pakikipagbarkada ko minsanb napabayaan ko na pag-aaral ko, pero syempre hindi ko naman hinayaang mapabayaan ko ang aking pag-aaral. Binabalance ko yung time ko sa pag-gagala at pag-aaral. Sa pagiging gala ko naman marami akong nakilala at naging kaibigan ko. Tuwing magkakasama kami puro bonding moments lang kami, kanya-kanyang kakulitan at asaran naminsan ay nauuwi sa pagkapikon, hindi pagkakaunawaan at minsan pa nga sa awayan. Pero mabilis din namang nasosolusyonan o nareresulbahan. Sa aming pating magbabarkada hindi rin maiwasan ang selosan, minsan din hindi maiwasan ang hindi mapaaway. Pero naayos din naman agad. Hanggang ngayon buo pa din ang mga barkada ko, yung iba nga lang maagang nag-asawa, nagsawa na ata sa pagiging single. Pero bahala sila buhay naman nila yun eh. Basta ako pagbubutihin ko na lang ang pag-aaral ko para makapagtapos ako ng high school.

Noong ako naman ay nagsecond year high school mas lalo akong naging masaya. Lalo a noong lumaban kami ng Florante at Laura nagkaroon kami ng place, 2nd place kami noon. Ang saya namin noon, kasi yung mga pinaghirapan at pinagpractisan ay may naibungang maganda.Hindi ko malilimutan noong second year kame Mapeh ang aming asignatura noon, wala kaming guro pero may iniwan sa aming gawain. Pumunta kami ni Melanie sa C.R kasi iihi kami, nilock ni Melanie ang pinto, tapos hindi kami makalabas pilit naming binubuksan ang pinto pero hindi namin mabuksan. Syempre natakot kami, buti na lamang andun si Hazelyn Solis sa labas, nagpatulong siya dun sa isa naming kaklse na buksan ang pinto. Bago dumating yung kaklase namin nakalabas na kami. Pagkalabas namin grabe tawa lang kami ng tawa ni Melanie, kahit medyo natakot at kinabahan kami.
Nagsimula ako mainlove noong ako ay second year high school na.Doon ako ay nagkaroon ng boyfriend.Una kong naging boyfriend ay si Patrick Ellerma pero hindi rin kami nagtagal dahil nagkaroon siya ng ibang babae.Noong una masakit,perohabang tumatagal ay natanggap ko rin yon.pangalwa naman ay si Jovert Baquiran noong 3rd year ako naging masaya naman ako sa kanya.Ito nga pala yung picture ni Jovert.


Si Jovert Baquiran..Mahal ko




Sumunod ko namang naging boyfriend ay si Charlon,pinsan siya ni Jovert.Ito yung picture niya.
Yan ang aking buhay pag-ibig,syempre kung may mga bad happenings meron naman itong kapalit na good happenings. Ngayon ay in a relationship ako.


Charlon Diaz..Ex boyfriend ko


Noong 3rd year naman ako mas madami akong nakilala at naging kaibigan. Naalala ko pa noon nung nag-open forum kaming magkakaklase, syempre yung iba naging emosyonal, kasi yung iba magaganda ang sinasabi yung iba naman masama. Pero naging maayos naman ang lahat. Walang awayang nangyari. Lahat naging sport. Ngayon ako ay na sa 4th year high school na. dati akong 4-d. syempre nung una hindi ko matanggap ang naging section D ako. Nasanay na ako sa section C. pati wala akong masyadong kakilala sa section na iyon. Pero habang tumatagal na gugustuhan ko na din ang section D. napalipat naman ulit ako sa section C, kasi may nakipagpalit sa akin ng section. Syempre naging masaya ako. Pero noong una tinanong ko muna sa mama ko kung papayag siya na lumipat ako ng section at pumayag naman siya. Kaya yun naging section C ulit ako ay doon nakasama ko ulit mga kaibigan ko. Ang hiling ko naman ngayon ay makapagtapos ako ng maayos sa high school. Para na rin pagpasok ko ng kolehiyo wala akong maning problema. Pangarap kong maging isang Chef. At pangarap ko din na makapagytrabaho sa maayos na paraan. Gusto ko din maging matagumpay sa buhay. Ang saya talaga nang high school life. Mamimiss ko itong pagigng high school ko.

At iyan po ang talambuhay ko. Salamat po.

ito ako ngayon.
Mg kabarkada ko ngayong 4th year..
Beth,Nineth,Zylene,Rich,Bel,Miki,Karla at Ako..

ang aking talambuhay

ang aking mkabuluhang talambuhay

         Si Jeremy M. Magcawas ang ikatlong anak nina Erlinda at Ariel Magcawas,nakatira kami sa Brgy.San Marcos SPC.Sisimulan ko na ang aking talambuhay sa paglalarawan sa aking sarili noong ako ay bata pa.Pango ang kaunaunahang tinawag nila sa akin dahil maliit daw ang aking ilong,ang dami nga nilang haka-haka kung bakit daw nagkaganun ako,may nagsabi na naapakan ng pusa nung maliit pa,meron naman na nahulog daw ako sa kuna,pero sa totoo lang napaisip din ako kung bakit nga ako nagkaganon.naniwala na lang ako sa aking ama na sinasabi na tatangos din yan,sabi ko naman paano po?sabi niya hilahin mu lang tuwing umaga,natawa nalang ako.Sa kadahilanang bata pa ginawa ko naman,hahahaha epektibo naman sya.Maputi ako medyo maputi ako noon pero dahil mahilig magsasali sa mga paligsahan sa eskwelahan,tulad ng baseball,soccer,habulan at mga laro na nasa initan kaya ayon umitim,pero ayos lang naging masaya naman ako.

picture namen nung grade 2
        Eskwelahan ang aking nais puntahan,napakasaya ko nang ako ay pumasok bilang isang kinder garten,sinasabi ng guro ko na makulit daw ako pero mahilig naman sa pag-aaral.Doon nagsimula ang pagsisipag ko sa pagaaral.ang bilis ng araw dahil hindi ko namalayan na nasa ika-unang baitang na agad ako,madaming ka eskwela ang aking mga nakikilala ayoko ko na sabihin dahil madami sila hahaha.tanda ko pa na ako nalang pala ang nagsasalita at ang mga kaklase ko ay tahimik,pagtingin ko sa may blackboard papalapit na ang aking guro,may dalang tape,ayon sa kaingayan ko nalagyan ako sa bibig.Simila noon natakot na akong magingay pag may klase,siyempre bka malagyan nanaman ako eh tama na ung sa nakaraan nlang yun nakakahiya eh.
       Nang umapak ako sa baitang ikalawa hanggang anim nasabi ko na sobrang saya magaral at magkaroon ng maraming kaibigan.Dahil kaya ko nasabi na ganon dahil sa mga karanasan ko sa mga nagdaang panahon,kauna-unahang paligsahan na nasalihan ko ay ang soccer o kilala din sa tawag na football,ito ung laro kung saan hindi ka maaaring gumamit ng kamay pwera nalang kung ikaw ang goaly,siya yung nagbabantayn sa goal bar para sanggahih ang mga parating na bola.Minsan naipwepwesto ako dun pero mas masaya kung naglalaro ka sa field,nasasaktan pero ksama un sa laro.Ang ikalawa naman ay sa baseball,dito ako nasaktan at nasiyahan dahil lalo gumagaling ang isang manlalaro kung siya ay na sasaktan.Ang dami kung naging pasa sa paglalaro nun,sa kamay,paa,hita,binti minsan nga sa pagmamayabang ko ntamaan ako ng bola sa ulo ang taas pa ng bola nung sasaluhin ko,nung pagsambot ko hindi ko namalayan na papalapit na yung bola dahil nasilaw ako sa sikat ng araw,kaya ayun sa sakit umupo muna ako dahil nakakaliyo pala hehehe.Masarap ang buhay ko noon pagmay laro dame lagi pakaen,hahaha,Sa mga larong aking nasalihan sa taewondo ako pinaka nasaktan at nahirapan,dahil mahirap ang training dapat lagi mabilis at maliki sa para mailagan mu lahat ng mga tatama sayong sipa ng kalaban dahil kung tatamaan ka lagot ka.Sobrang saya talaga ng elementary life,pero siyempre hindi maiwasan ang paghihiwalay hiwalay dahil sa pagpasok ng high school,Lalu na ng dumating ang graduation namin lahat ay nagiyakan at nagyakapan dahil hindi namin alam kung kailan ulit kami magkikita kita.

    Unang araw ng primary sa CLDDMNHS,dami mga bagong muka sa akin,mga hindi ko kakilala minsan namumukaan ko lang sila.Dami paninibago mga upuan,dami sa klase at mga guro na makikilala,pero mukang masaya naman dahil maraming new friends ang pwedeng ma meet.Haixt!! masaya nga dami ko nakilala at maaaring maging kaibigan hahahah,may babae pang nagtanong ng apelido ko,nainlab naman agad ako,pero nung niligawan ko wala din pala hindi pala ako ang gusto,sayang mabait pa naman siya.Siya unang nagpatibok ng puso ko na high school,pero ayos lang masaya na ako ng nakilala ko siya.

    Sekondarya naman mas ayos naman ito dahil bagong kaibigan nanaman dahil napalipat ako ng section napabayaan ko pagaaral ko eh,dahil sa computer games naadik kung baga hahaha,Nagkaroon din ng events noon na sinalihan ng buong section ung 'florante at laura',aladin nga pala ako dun hehehe,at gf ko pa ung flerida haixt!!.ayun lang magagandang hapenings nuon.
js prom namin


kevin patrick at ako jssssssss!!!
     Ikatlong pagtuntong ng high school,dito ko nakilala guro na napakabaet si mam Claveria kaso lumipad papuntang ibang bansa dahil sa asawa,natuto ako sa kanya ng math subject,dahil ang bilis niyang iabot ang nais niyang sabihin sa kanyang mga estyudyante kaya ayun natututo kaming lahat kaya maraming salamat sa kanya.Js unang sabak ko palng kakahiya aman isayaw mga classmate kung babae,hindi ako sanay eh pero ayos enjoy ako ng gabi na iyon puno ng pagmamahalan para bang wala ng katapusan.haist!!ayon lang wala n gasinong magandang nangyari noong taon na iyon.


tropa namin bago mag field demo


ako yan malamang!!

ANA CARLA
     Ika-apat na taon at huling pagtuntong sa eskwelahan ng puno ng mga inspirasyon nais kong pagbutihin lahat lahat para masulit ko ang aking mga ginugol sa apat na taon,gusto kong tapusin ng may pinagaralan at puno ng pangarap.Sa inaasahan ko mas madami palang events ang darating nandyan ang pagsayaw namin sa SM,field demonstration,high musical at ang mini olympic.Napakasaya naming lahat dahil maraming ng checheer tuwing may laban,sa bawat laban naman ay may ipinanalo kami,second sa soccer kahit basa ng ulan cge pa din.Dito ko nakilala magpapatibok ng puso ko si ANA CARLA OPULNCIA MESA,napakasaya ko ng nakilala ko siya kahit dami mga pagsubok na nangyari bago magkaroon ng M.U sa aming dalawa ngayon masaya kaming dalawa pero minsan hindi maiwas ang pagkakatampuhan preo part aman yun ng buhay.Ngayong malapit ng magtapos ang aking pagaaral sa paaralang puno ng mga experience,masaya ako na dito ako pumasok,hindi hadlang ang mababang paaralan para makahanap ng mataas na pinagaralan.Sisikapin ko na makatulong ako sa aking mga magulang para masuklian ko ang tulong na nagawa nila sa akin.Maraming salamat sa mga taong naging parte ng buhay ko sana maging masaya tayo sa mga susunod pang taon.

Lunes, Pebrero 21, 2011

The lovable princess: The true story of MAY ESTURAS

ako noong 1 taong gulang
         Ako si May Esturas.Ipinanganak ako noong Mayo 7,1995.Sa ngayon,ako ay labinlimang taong gulang na.Anak ng mag-asawang Myla at Apollo Esturas.Dalawa lamang  kaming magkapatid at ako ang panganay.Simple lamang ang aming pamumuhay,ngunit naging masaya naman ako dahil kasama ko ang aking pamilya.Tinatawanan lamang namin ang bawat problemang dumadaan sa aming buhay.Sabi nila,noong bata pa daw ako ay palagi daw akong may sakit.Palagi daw akong may sakit kung kayat parang sang ospital na ang pangalawa kong tiahan.
ako noong 6 na taong gulang
           Ang sabi pa nga nila ay pangalawang buhayko na daw ito.Tuwing nag-aaway daw sina inay at tatay,ako daw ang nagiging dahilan kung bakit daw sila nagkakabati.Simula noon,ginawa daw nila ang lahat upang gumaling ako.Nang gumaling naman daw ako,nagdesisyong magtrabaho sina inay.Naiwan ako sa puder ng aking tita at ng aking lola.Minahal nila ako ng sobra at itinuring ako na parang tunay na anak.Nang nag-aaral na ako na kinder,hatid-sundo niya ako palagi.Siya na ang nagpaaral sa akin at nagsilbing pangalawa kong magulang.
          Hanggang sa pumasok ako ng elementarya.Si tita pa rin ang nag-aasikaso sa akin.Napansin niya na nagkakaroon ako ng hilig sa pagkanta.Napamahal ako sa musika.Gusto niya nga akong isali sa mga singing contest,pero naging mahiyain naman daw ako.Dumating ang flores de mayo.Pinalano nilang isali ako ngunit kahit ayaw ko ay wala rin akong nagawa.Noon,galit na galit sa akin ang tita ko kasi may pagkatomboy ako.
                Nahilig ako sa mga laruang baril-barilan.Nang tumuntong ako sa elementarya,mas lalo akong nahilig sa mga larong panlalaki.Palagi naman akong nanalo.Sa ikalawang baitang sa elementarya ay marami lalo akong napagdaanan.Nakilala ko ang mga tunay kong kaibigan.Sila rin ang palaging nagsasali sa akin sa singing contest sa school namin.Napaka iyakin ko noon kaya nang sumali ako sa patimpalak,wala akong magawa kundi ang umiyak.Masaya naman ako dahil kahit paano ay nanalo ako.Simula ng manalo ako noon,nagkaroon na ako ng confidence sa aking sarili.
                  Kasama ang aking mga kaibigan ay sumali kami sa mardigra.Nanalo kami noon.Pero kahit ganon naiinis pa rin ako dahil nangitim ako ng sobra.Hanggang sa nakilala ko ang first crush ko.Minahal ko talaga siya ng sobra.Nakakahalata na nga siya sa akin.Sobrang nagseselos ako tuwing nakikita ko na may kasama siyang iba.Araw-araw akong umiiyak nang malaman ko na ang taong gusto ng aking crush ay ang matalik kong kaibigan.Gumuho naman ang mundo ko nang malaman kong ang iniirog ni tita at ang aking tita ay nais ng magpakasal.Ayokong mawala sa akin si tita kaya gusto kong pigilan ang kasal.Wala akong magawa.Pinalano kong lumayas,pero napigilan ako ni lola.
                     Nang wala na akong magawa,pumayag na rin ako.Nang ikasal si tita,wala rin namang nagbago.Dumating ang isang problema sa aming buhay.Ang lupang aking kinalakihan ay binabawi na ng kung sino lamang.Awang -awa ako kay lola dahil alam kong napamahal na siya doon.At isa pang dahilan ay dahil pamana na iyon sa kanya ng kanyang magulang.Dahil doon,gusto ko ng magtrabaho.Hindi kami nawalan ng pag-asa.Umabot sa korte ang kaso namin at sa awa ng diyos ay nanalo kami.Hanggang sa dumating ang araw na aking pinakakahintay.Ang pagtatapos ko sa elementarya.Masaya ako dahil kasama ko ang aking buong pamilya.Bago sumapit ang pasukan para sa highschool,nagdesisyuon akong mamasukan bilang katulong sa aking tita.Nangako silang pag-aaralin ako.
                    Dumating na ang pasukan.Marami akong nakilalang kaibigan.Inisip ko noon na kakaiba ako sa kanila.Pero nawala ang lahat ng iyon nang tumagal tagal na ang pag-aaral.At isang magandang umaga,nakita ko ang first love ko.Minahal ko siya sa loob ng apat na taon at alam kong tatagal pa.Nang makilala ko siya,naniwala ako sa kasabihang love at first sight.
                  Ang baduy ko daw sabi nila pero siguro kapag naranasan din nila iyon,alam kong ganon din ang mararamdaman nila.Nang secondyear high school na ko,mas lalong tumindi ang pagmamahal ko sa kanya.Siya ang naging inspirasyon ko sa pag-aaral.Pero dahil doon yata kaya nagkaroon ako ng bagsak na marka.Gumawa ako ng paraan para pumasa ulit ako.
                At dahil love ako ni god,nagtagumpay naman ako.Pagdating naman sa thirdyear highschool,nalaman ko na pinsan si renz ng aking kamag-aaral.Kinuha ni bryan ang number ni renz.Simula noon,palagi ko na siyang pinapadalhan ng message.Hanggang isang araw nag reply siya.Kinaibigan ko siya at ganon rin naman siya.Hindi ko magawang hindi puasok ng paaralan nang dahil sa kanya.Hindi ko naisip na mawawalay pala siya sa akin.Magtatapos na pala siya ng highschool.Ngunit hindi ako nawalan ng pag-asa.Nag-ipon ako at ibinili ko siya ng regalo.Nalaman ko rin noon na may mahal na siyang iba.Sinabi ko noon na kakalimutan ko na siya,pero hindi ko magawa.Dahil sa pagmamahal ko sa kanya,naging curious na ako sa aking figure.Nagpapayat ako dahil mataba ako.
                 Hindi ko namalayan na may isang tao na nahulog ang loob sa akin.Inamin niya ang kanyang nararamdaman sa akin ngunit dahil sa takot pa akong pumasok sa isang relasyon,sinabi ko sa kanyang maging magkaibigan na lamang kami.At dahil doon,naging matalik kaming magkaibigan.Dumating ang araw ng pagtatapos ni renz.Pinutahan ko siya at ibinigay ang aking regalo.Nagpasalamat siya at simula noon ay mas lalong lumalim ang aming pagiging makaibigan.Hindi ko makakalimutan ang lahat ng tulong sa akin ni god.Tinutulungan niya ako sa araw-araw kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya.At sa nalalapit na pagtatapos ko sa highschool ay lalo ko pang pagbubutihin.Ito ang kwento ng aking buhay.

Sabado, Pebrero 19, 2011

peace MAEker: The Confession of Ella Mae Cuello

noong ako ay 11 months old
             Sa barangay San Francisco, Calihan ika-11 ng Agosto nang ako’y ipanganak. Ang aking mga magulang ay sina Honorata Cuello at si Anthony Laborte. Dalawa kaming magkapatid at ako ang panganay. Isang lalaki ang aking kapatid. Mas nagging malapit ako sa aking ama noong ako ay bata pa dahil ang aking ina ang nagtatrabaho. Ang aking ina ay umuuwi ng hating gabi at umaalis ng madaling-araw kaya bihira lamang kami magkausap. Ang aking ama ang nagpapaligo sa akin, ang naglalaba ng mga damit naming, at ang naghahatid sa akin sa eskwelahan sa simpleng salita siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay na dapat para sa aking ina. Ngunit hindi ito magawa ng aking ina dahil siya ang naghahanap-buhay na dapat naman ay para sa aking ama.

ako noong 1taong gulang 
                Normal ang buhay naming dati, halimbawa naibibigay nila lahat ng gusto ko. Hangang isang araw na nag-away ang aking mga magulang. Napaka selosa kasi ng aking ama kaya pinatigil niya ang aking ina sa trabaho. Nang tumigil ang aking ina sa pagtatrabaho kailangan na ng aking ama na maghanapbuhay upang matustusan ang mga pangangailangan namin sa by. Hindi ito masyadong nagging madali para sa akin dahil hindi kami nagging malapit ng aking ina. Pero nakapag-adyas din naman ako. Ngunit pagkaraan ng ilang buwan nagkaroon na naman ng problema dahil naging masipag ang ama ko sa trabaho ay maraming naiinggit sa kanya. Isang gabi biglang sumugod ang mga tiyuhin ko at binugbog ang aking ama hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pinaltok ko yung platong hawak ko kasi punong-puno na ng dugo ang mukha ng aking ama. Patuloy parin ang pagsuntok ng tiyo ko sa ahaaking ama. Hanggang sa Makita nila na hindi na gumagalaw ang aking ama at umalis na ang mga ito. Hindi naming alam kung ano ang dapat gawin. Iyak na lamang ng iyak ang aking ina. Hanggang sa dinala nila sa ospital ang aking ama ngunit sa sobrang lala raw ng nangyari sa aking ama ay kailangan itong dalhin sa Maynila.

                                                               
            Normal ang buhay naming dati, halimbawa naibibigay nila lahat ng gusto ko. Hangang isang araw na nag-away ang aking mga magulang. Napaka selosa kasi ng aking ama kaya pinatigil niya ang aking ina sa trabaho. Nang tumigil ang aking ina sa pagtatrabaho kailangan na ng aking ama na maghanapbuhay upang matustusan ang mga pangangailangan namin sa bahay.Hindi ito masyadong nagging madali para sa akin dahil hindi kami nagging malapit ng aking ina. Pero nakapag-adyas din naman ako. Ngunit pagkaraan ng ilang buwan nagkaroon na naman ng problema dahil naging masipag ang ama ko sa trabaho ay maraming naiinggit sa kanya. Isang gabi biglang sumugod ang mga tiyuhin ko at binugbog ang aking ama hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya pinaltok ko yung platong hawak ko kasi punong-puno na ng dugo ang mukha ng aking ama. Patuloy parin ang pagsuntok ng tiyo ko sa ahaaking ama. Hanggang sa Makita nila na hindi na gumagalaw ang aking ama at umalis na ang mga ito. Hindi naming alam kung ano ang dapat gawin. Iyak na lamang ng iyak ang aking ina. Hanggang sa dinala nila sa ospital ang aking ama ngunit sa sobrang lala raw ng nangyari sa aking ama ay kailangan itong dalhin sa Maynila.

ako nong 7 taong gulang
           Dahil sa pangyayaring iyon kailangan naming makitira sa bahay ng tiyahin ko. Ngunit dahil nga sa maraming problema kailangan akong iwanan ng aking ama’t ina kasama ng aking kapatid kailangan nilang tumira sa Maynila kung saan nakatira ang aking lola para hindi na lumala pa ang mga problema. Pero sinusundo naman ako ng aking ina kapag bakasyon para doon magbakasyon sa Maynila. Pero hindi naman dapat lagging ganoon kinailangan na ng aking ama na mangibang-bansa. Pitong taong gulang ako ng pumunta ang aking ama ng Saudi Arabia. Naalala ko noong ako ay pitong taong gulang ay naoperahan ako sa ulo dahil sa kakulangan ng dugo ko sa ulo.
                Grade 1 ako noong nawala ang pinaka mabait at pinaka malapit kong pinsan. Namatay siya dahil sa sakit na bone cancer. Ako ang pinaka malapit sa kanya isa ako sa pinaka naapektuhan noong nangyari iyon napakalungkot na taong iyon.


ako kasama ang aking mga pinsan at kapatid
                Masyado akong nasanay na lahat ng gusto koay nakukuha ko noong nasa ama ko pa ako. Kaya naman noong nag-aaral na ako nahirapan ako kasi nawala yung tatay ko tapos hindi naman binibigay ng nanay ko ang mga bagay na hindi ko naman daw kailangan. Kaya hindi ako mahilig mag-aral kaya mababa ang section ko noong grade 3 ako. At may pangyayari na niloko ako ng dati kong kaiskwela at sinabi sa akin “yuck ang baba ng section mo!” At umiyak ako habang pauwi. Pagkatapos ng pangyayaring iyon sinabi ko sa sarili ko na gagalingan ko para mataasan ko silang lahat.
                Noong nagging grade 4 ako tumaas ang section ko ng dalawa ngunit sabi ko sa sarili kona kulang pa iyon. Noong nagging grade 5 ay nagging top 1 ako at isa sa mga school achiever mas lalo ko pang ginalingan noong nalaman ko na uuwi ang aking ama mula sa Saudi para magbakasyon ay napakasaya ko. Kaya noong pagdating ng aking ama natuwa siya dahil siya ang aakyat ng stage para kasama kong kukuha ng certificate ko.
                Noong grade 6 ako ay medyo napabayaan ko ang aking pag-aaral kaya hindi ako ang naging top 1 pangalawa lamang ako. Nainis ako kay Rose Anne dahil siya ang nag top 1. Tapos noong nakagraduate kami ng grade 6 pinangako ko sa sarili ko na mas sisikapin ko pa ang pag-aaral  ko para sa susunod ako na ang top 1.

Tapos noong nagfirst year ako ay I-H pa rin ang section ko mababa pa rin .Dahil isa ako sa mga late nag-enroll kaya mababa ang section ko.Kaya mas sinikap kong mag-aral.At nagbunga naman dahil ako ang napiling isali sa Filipino Quiz Bee at English Quiz Bee n gaming classroom.Pero hindi ako pinalad manalo dahil may mas maraming mas matalino sa akin.
                Noong ako naman ay nagsecond year ay nagging II-F ako tumaas ang section ko pero mababa pa rin.Pero nakuha ko na rin ang puwesto na matagal ko na gusto ako ang nagtop 1 sa aming classroom.
                Noong ako naman ay nagthird year ay naging  III-C ako ay mas tumaas dahil pang-apat yun sa pinakamataas na section.Noong nagging third year ako  marami akong sinalihan na activity ang una ay Red Cross Youth matagal ko nang gusting maging miyembro ng Red Cross Organization pero walang Red Cross sa Central School kaya d ako makasali.Tapos pinili ko ring sumali magvolunteer sa Citizenship Advancement Traning.At sa lahat ng mga nagging desisyon ko ang pagsali sa C.A.T. ang hindi ko pinagsisisihan  na kahit medyo nahirapan ako naging  masaya naman.Noong una naisipan kong sumali sa C.A.T.  para lang  hindi ako mahirapan sa 4th year .Pero nang masanay ako sa mga kasama ko naisip ko na ang saya mag C.A.T.
                At nang magbakasyon ay mas naging masaya ,at mas nagging malapit kaming  mga volunteer sa  isa’t-isa nabuo ang pagtitiwala  sa bawat isa.
                Nang mag 4th year naman ako ay nagging officer na ako noong umpisa  lagi akong nabo-bored. Ngunit habang tumatagal ay nasasanay na rin ako.

ako noong nag-J.S Prom
                At ngayon katatapos lamang ganapin naming Junior-Senior Prominade 2011. Ang saya-saya talaga. Hawaiian ang nagging theme n gaming j.s prom.
                Ngunit noong gaano kami nagging Masaya noong JS Prom ganun din kami nagging kalungkot ngayong malapit na kaming magtapos ng pag-aaral sa sekondarya.
mga kasama ko sa C.A.T

                Napakalungkot na maging 4th year lalo na para sa akin na maraming nagging karanasan sa highschool. Mahirap umalis o lumayo sa mga taong natutunan mo ng pakisamahan at mahalin. Sa mga taong naging pamilya mo na sa loob ng halos dalawang taon. Sa mga taong nagbigay inspirasyon. Sa mga taong tumulong sa mga oras na kailangan mo. Sa mga taong nagtiwala at pinagkatiwalaan mo na hindi ka binigo. Pero aalis ako ng masaya dala ang mga alaala kasama ang mga taong tinuturing kong pamilya ang mga kasama ko sa C.A.T.
                     
    

''Supladong Romantiko'' Talambuhay ni Juan Paolo O. Mesa

   Taong isang libo siyamnaraan siyamnapu't apat, ika dalawampu't siyam ng Setyembre naging mapalad ang mag-asawang Eduardo S.Mesa at Victoria O. Mesa sapagkat biniyayaan sila nang dalawang malulusog na kambal na pinangalanan nilang Ana Carla at ''Juan Paolo''.

   Ako si Juan Paolo Opulencia Mesa ang nag-iisang lalaking anak nina Eduardo at Victoria Mesa,bunso sa magkakapatid at guwapo katulad ng  Ama. Kapatid nina Jacqueline, Charmane at Ana Carla ang kakambal ko.

   Mahigit tatlong buwan nang bininyagan sa Simbahang Katoliko

   Sa paglaki nang kambal, unti-unting nagkakamuwang sila sa mundo. Natuto na silang  makipaglaro at maging pilyo gaya ng ibang mga bata. Dahil sa pagiging makulit ko, isang gabi habang natutulog ang lahat  nang kasama ko sa bahay naisipan kong gumapang paakyat sa hagdan, dahil madilim hindi ko namalayan na nauntog na pala ako sa hagdan. Umiyak ako kaya't nagising ang mga magulang ko ngunit duguan na ang noo ko nang makita nila. Dahil gabi noon at malayo pa ang ospital ginamitan na lang nila ako ng dahon ng malunggay upang matigil ang pagdudugo nang aking sugat. Hanggang ngayon nakamarka pa rin sa noo ko ang tanda ng aking kalikutan.

    Ilang beses  narin akong nababalian dahil sa pagbibisikleta  ko at nang mahulog ako sa mesa. Muntik na din  akong mamatay dahil sa kagat ng alaga naming tuta, hindi ko namalayan na ang simpleng sugat  ko sa binti ay kagat pala ng alaga naming tuta.

     Apat na taong gulang ako nang unang magbakasyon ako sa Baguio City. Napakasarap sa pakiramdam sapagkat ngayon lang ako nakapunta sa ganoong pasyalan. Maraming tao, maraming pasyalan at napakagandang tanawin. First time ko din doon kumain ng taho at umakyat sa pagkahaba-habang hagdan.

     Pagtungtong ko sa ''Day Care'' nagpamalas na ako ng galing hanggang mag ''Kinder'' ako, dito na ako nabigyan ng ibat-ibang parangal sa loob ng klase.

     Pagtungtong ko naman sa ''Grade1'' marami na akong naging kaibigan ngunit mahiyain sa klase. Hatid at sundo lagi kami ng ate ko na si ate Charm, lagi niya kaming pinakakain sa tanghale at pinatutulog pagkatapos kumain at higit sa lahat lagi siyang may bigay na baon sa amin. Pagdating ko naman sa ''Grade 2'' dito na ako naging aktibo sa klase ngunit may kabagalan sa pagkopya nang mga leksyon sa pisara. Natuto na akong magrosaryo pagdating ko sa ''Grade 3''. Ang ''Grade 4'' naman ang pinaka paborito kong taon  sapagkat dito ko nagustuhan ang asignaturang siyensya.Nasa ika limang taon na ako sa pagiging elementarya o "grade5" dito na ako natuto magka- crush at sa bestfriend ko pa na babeae,at ang huling taon ang ika-anim na baitang,o ang aming pagtatapos,dito ko na naisip na magkakahiwalay na kami ng mga kaibigan ko ngunit siguradong hindi parin matatapos ang aming pagkakaibigan kahit na hindi kami kagkakaklase.

    Pagiging sekundarya yan ang unang tungtong sa pamplublikong paaralan na Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School.Ang unang antas ko sa paaralan ang pinaka mahirap sa akin sapagkat wala man lang akong kakilala ni isa mang nagpatala sa listahan ng mag bagong mag-magaaral sa Dizon High.Pero nang magtagal unti-unti ko na silang nakikilala at ganun din pala sila.

    Pagtuntong ko sa ikaliwang antas dito na tumaas ang aking seksyon,mula sa f naging d ako.Talagang pinagbuti ko ang aking pag-aaral upang mapataas ko pa ang aking seksyon at marka.Madali kong naging kaibigan ang lahat ,lalo na sa isang taong laging nagpapasaya sa akin noon.Di naglaon naging kasintahan ko ang babaeng yun.Sa taong ding ito napalitan ang tawag nila sa akin na "boss" ang tawag nila sa akin.

    Sa ikalawang antas dito na ako naging mas mahilig sa larong basketball,at pinaka sa larong NBA 2K11.Sa taong ding ito naganap ang kaunaunahang "J.S" sa buhay ko.

    At ngayon sa ikaapat na antas kung saan pagkatapos ay kailangan na talaga ang paspasang pagaaral para sa aking kinabukasan.Sa taong ito ibat-ibang kompetisyon na ang aming nasalihan at sa kabutihang palad ay nananalo naman kami kahit papaano.Dito ko na din natagpuan ang taong nagpabago sa buhay ko at napakahalaga niya para sa akin.

    Ngayong magtatapos na ako sa ikaapat na antas sanay hindi magbago ang pagkakaibigan naming lahat kahit magkakalayo na kami.

    Ako si Juan Paolo Opulencia Mesa,noon hanggang ngayon.






                                                                   Iyan ako!

Mga pangyayaring naganap sa buhay ko...


                                                                  PROPS MEN



                                                     Opening ng SM San Pablo